Si Art jay,isang mahirap,walang mga magulang at nag-iisa sa buhay.Isang binatang ipinagdamot ng kapalaran ang pagkakataong makasama ng matagal ang minamahal sa buhay.Walang panahong siya'y mabibigayan ng pagkakataong tatagal ang mga minamahal nito sa kanyang piling.Pamilya,kaibigan at ka-ibigan o babaeng minamahal sa buhay.Mahirap na mahirap ang kalagayan ni Art jay ngunit ang pagdadrive ang kanyang puhunan para matustusan ang pangangailangan sa pang araw-araw.Ang nanay Ibet nito ay namatay sa aksidente nang si Art jay ay mag akinsi anyos.Ilang araw lang noon ay sinundan ito ng kanyang ama na namatay dahil sa isang mayamang lalaking nag-utos umanong papatayin ang itay nitong si Ramon.Lupain ang dahilan ng lahat dahil pinag-aagawan ng dalawang pamilya ang lupaing minana pa umano ng lolo Berting ni Art jay.
Pagkabalisa na puno ng poot at paghihiganti ang nasa isipan ni Art jay noong araw na iyon aniya, sa paglaki nito ay wala itong aatupagin kung hindi babalik at babalikan nito ang mga taong kumitil ng pagkakataong makasama ng matagal ang minamahal nito sa buhay.Ang kapatid ni Art jay ang labis nitong pinoproblema na noon ay nasa labing tatlong taong gulang.Dalawang taon lamang ang pagitan ng dalawa.Nagkahiwalay ang dalawa mula ng masunog ang mumunting tahanan na nagsilbing alaala at pamana ng kanilang tatay Ramon at nanay Ibet.Nagkahiwalay ang dalawa at mahigit sa limang taon mula noon ay walang paraang mabigyan ng pagkakataon na magkita ang dalawa.Ayon sa balita ay namatay na umano ang babaeng kapatid nito na si Anghela.
Nangibang lugar si Art jay upang hanapin ang sariling kapalaran sa isang malawak na syudad ng Koronadal.Dito ay pinasok nito ang ibat ibang trabaho isa na dito ay ang pagiging private driver ng pamilya Chui.Si Chui ay isang intsik na nakapag asawa ng isang magandang dilag na nagngangalang Angel.nagkita umano ang dalawa sa isang parke ng Rizal na kung saan doon nagsimula ang pag-iibigan ng dalawa.Hatid sundo ni Art jay si Mr. Chui sa kanyang opisina araw-araw habang naiiwan sa bahay si Angel dahil sa wala itong trabaho.Isang pagkakataon ang ibinigay kay Art jay na makipag-usap sa kanyang boss.Doon ay masinsinang nagkwentuhan ang dalawa.Open naman sa kahit anumang bagay si Angel na pag usapan kahit ang personal nitong buhay.Aniya,labing walong taong gulang palang sya ay nakapag asawa na sya at iyon nga ay si Mr. Chui.Mabait at maunawain si Mr. Chui kayat napadali ang loob nitong mahulog at ilaan ang pag ibig nito sa matandang lalaki na nasa apat na pung taong gulang.
"Hindi lang naging masaya ang buhay ko noon" sabi ni angel dahil sa kahirapan at kawalan ng pagkakataong makasama ng matagal ang kanyang mga magulang."ako nga rin eh! nag-iisa nalang ako nagayon buhat ng dumating ang malaking kalbaryo sa aming buhay" tugon naman ni Art jay.naputol ang usapan ng dumating ang lalaking mag aabot ng pagkain."JOLLIBEE delivery ma'am!" sabi ng lalaki.
Magaan na magaan ang loob ni Art jay kay Angel at halosd i nito maipaliwanag ang nararamdaman sa kanyang boss nito.Ito ba'y awa buhat ng mga karanasang kanyang binaggit, o pagmamahal dala ng kabaitan at kagandahan nito.Magandang maganda si Angel ito'y dahil siguro sa ganda ng estado ng buhay nito ngayon.Naisip ni Art jay na siguro gusto at nais nyang mapasakanya si Angel kung kaya't nagpapakita ito ng mga motibo na syang pagkakakilanlan na napamahal sa kanya ang babae.
Ilang buwan ang nakalipas nang nagkadepelopan ang dalawa.Marahil ay di malakas ang pundasyon ng pagmamahalan nina Mr. Chui at Angel, ay nawala ang mahigit limang taong pagsasama at pag iibigan ng dalawa.Umiksena si Art jay sa pamamagitan ng pagtatanan at pumunta ng ibang lugar.Laking paghahanap at pagkalito ang nasa isipan ni Chui lalo na't nabalitaan nito na magpapakasal ang dalawa. Nobyembre 13, araw ng pagpapaksal ng dalawa.Hindi nila inaasahan ang pagdating ni Chui sa mismong araw ng kasal isang malagim na pangyayari ang naganap.Binaril ni Chui ang dalawang ikinasal at sa kasamaang palad si Angel ay natamaan ng bala sa bandang leeg.Di naagapan at dapat nang tanggapin ng dalawang mag iirog na wala na ang babaeng kanilang pinag aagawan.Sa pag aayos ng mga dokumento bago ilibing si Angel,natuklasang isa syang Dela Cruz,anak ng yumaong si Ramon Cruz at apo ni Berting.
Napagtanto ni Art jay na magkapatid sila ni Angel,na sya ang kapatid na inakala nyang matagal nang patay.Labis ang hinagpis at pagsisisi na maliban sa sya ang dahilan ng kanyang pagkamatay ay ninakaw pa nito ang pagkakataong sya ay manatiling buhay ng may katiwasayan sa piling ng isang negosyanteng mayaman na nasisiguro nito ang siguridad na maging maayos ang buhay ng kapatid.Ang paghihiganti na kanyang nais gawin ay napagdusahan ng walang muwang at walang malay na si Angel.